Home ENTERTAINMENT Toni, ibinisto ng mister sa bedroom secret!

Toni, ibinisto ng mister sa bedroom secret!

Manila, Philippines- There are things better left in the privacy of a couple’s bedroom.

Obyus na ganito ang paniniwala ni Toni Gonzaga pagdating sa ilang sensitibong bagay tungkol sa relasyon ng mag-asawa.

Ito ang mismong napatunayan ng mga netizens na nakapanood ng latest vlog ng kapatid niyang si Alex Gonzaga.

Sumalang kasi ang Gonzaga sisters with their respective husbands sa Answering Hot Questions in front of your partner Challenge.

Tanong kay direk Paul Soriano, Toni’s hubby: ano ang significant change sa kanilang relasyon.

For starters, magte-10 years na ang pagsasama nina Toni at Paul.

They’re blessed with two kids.

Ani Paul, noon daw ay hindi outspoken si Toni.

Ang trait palang ‘yon ay kapareho ng kay Mikee Morada, mister ni Alex.

As opposed to Paul and Alex na may similar characteristic din pala.

With Paul and Alex daw–ayon kay Toni–ang mga bagay which make them laugh ay idinadaan nila sa bastos.

Hindi nga lang nagustuhan ni Toni ang pambubuko ni Paul when it comes to their supposed bedroom secret.

Ani Paul, si Toni raw ang unang nagyayayang makipag-loving-loving: bagay na inalmahan ni Toni.

Inappropriate daw na pati ang mga ganoong bagay are brought up.

May point nga naman. Ronnie Carrasco III