Home NATIONWIDE SolGen humingi ng palugit sa SC sa pagsagot sa petisyon vs 2025...

SolGen humingi ng palugit sa SC sa pagsagot sa petisyon vs 2025 GAA

MANILA, Philippines – Humingi ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court ng karagdagan na panahon upang sagutin ang petisyon na kumukuwestyon sa 2025 General Appropriations Act (GAA).

Naghain ang OSG ng motion for an extension of time para makapagsumite ng komento sa Pebrero 21.

“Although the draft of the said Comment has already been finished, it is still undergoing further revision and/or correction before it can be filed,” nakasaad sa mosyon ng OSG.

Magugunita noong Pebrero 4 ay inatasan ng Supreme Court ang OSG na sagutin ang petisyon na isinampa ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez.

Iginiit ni Rodriguez na iligal ang 2025 GAA dahil sa pagsasama ng mga blank items sa Bicameral Conference Committee Report.

Ang House of Representatives, Senado at si Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga respondents sa kaso.

Itinakda ng Supreme Court ang oral arguments sa kaso sa April 1, habang idaraos ang preliminary conference sa Pebrero 28. TERESA TAVARES