Home NATIONWIDE FPRRD tinawag ni PBBM na ‘fake news factory’

FPRRD tinawag ni PBBM na ‘fake news factory’

MANILA, Philippines – PANIBAGONG ‘BUDOL” o panlilinlang kung ituring ng Malakanyang ang pinakabagong akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Para kay Chief Executive Lucas Bersamin, isang “tall tale” mula sa “tyrant who did not respect the rights of the people” ang sinabi ni Digong Duterte na hindi umano niya nakikita na bababa sa kaniyang posisyon si Pangulong Marcos kapag natapos na ang kaniyang termino bilang Pangulo sa 2028 na siyang hinalintulad ng dating Pangulo sa naging panahon ni Marcos Sr. sa ilalim ng martial law.

Gaya umano ng kaniyang ama, magpapatupad din aniya ng Martial Law si PBBM at malalagay muli sa sigalot ang bansa dahil ipagbabawal umano sa ilalim nito ang eleksyon.

Dahil dito, giit ni Bersamin, ang mga sinabi ni Digong Duterte ay lumutang mula sa “a one-man fake-news factory.”

“We treat the former president’s baseless and ridiculous statements in the same way that Filipinos are dismissive of them: a tall tale from a man prone to lying and to inventing hoaxes,” ayon kay Bersamin.

“It is the leader of that troubled past who is depicting us as veering toward a system where anyone can be deprived of life, liberty, and property without due process of law, as many had been on his mere say-so as a tyrant who did not respect the rights of the people,” aniya pa rin.

Sa ulat, ang pasaring ni Digong Duterte ay ‘veering towards a dictatorship’ ang administrasyon ni Pangulong Marcos sa naging mga paunang pahayag nito sa naging Cebu Indignation Rally noong nakaraang Sabado.

Pinakiusapan din ng dating opisyal ang mga kapulisan na gumawa umano ang mga ito ng mga moral na desisyon at huwag lamang basta sumunod. Magbigay din umano ng atensyon ang mga ito at alamin palagi kung ano ang tama at mali.

Samantala, ang naging people’s rally sa Cebu ay hindi lamang bahagi ng pangangampaniya ng partido ni Duterte ngunit tumataliwas din sa impeachment ni Vice President Sara Duterte. Kris Jose