MANILA, Philippines – Isang 37-taong-gulang na suspek sa pagpatay ang arestado sa loob ng Pasay City Public Cemetery sa ginanap na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SCALEO).
Inihayag ni Pasay City Police Chief Col. Joselito de Sesto na ang suspek ay kilala sa alyas na “Richard” na tinaguriang No. 2 sa wanted list ng pulis ang nasabing suspek.
Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest mula kay Judge Ronald August L. Tan ng Pasay City Regional Trial Court, Branch 297. Dave Baluyot