Home HOME BANNER STORY ‘No undies’ sa tag-init aprub sa DOH

‘No undies’ sa tag-init aprub sa DOH

MANILA, Philippines – Sinang-ayunan ni Departmemnt of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang payo ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin na iwasan ng mga kababaihan ang pagsusuot ng underwear sa bahay habang tag-init.

Sinabi ni Herbosa sa TeleRadyo Serbisyo na hindi naman mali ang ina-advise ng mambabatas.

Gayunman, pinayuhan ni Herbosa ang mga kababaihan na maaring gumamit ng cotton underwear na maging komportable.

Alinsunod dito, nilinaw niya ang anumang potensyal na epekto sa kalusugan ng pagsusuot ng hindi cotton na damit na panloob lalo na para sa mga kababaihan.

Ipinaliwanag ng kalihim na ito ay maaring magdulot ng fungal infection o ang candidiasis.

“Karaniwang itong nangyayari tuwing summer dahil maraming pawis, may moisture dahil mainit so nagpo-propagate ang candida na fungal infection”, sabi ni Herbosa.

Samantala, hindi rin aniya exempted mula sa panganib ang mga lalaki at nagbabala laban sa fungal infection sa singit sa panahon ng tag-init.

Binigyang-diin ni Herbosa ang napakahalagang kahalagahan ng kalinisan,pinapayuhan ang mga indibidwal na magdala ng ekstrang damit na pamalit kapag nagpapawis. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)