Home OPINION NOMINASYON PARA SA “2ND RESILIENCE AWARDS” BUKAS NA

NOMINASYON PARA SA “2ND RESILIENCE AWARDS” BUKAS NA

MAAARI nang magsumite ng nominasyon para sa 2nd Philippine Resilience Awards na kumikilala sa natatanging kontribusyon kaugnay sa climate action at disaster resilience.

Ang Resilience Award ay ibinibigay taon-taon sa isang namumukod-tanging indibidwal na nakamit ang mga kaha­nga-hangang pag-unlad sa kanilang lugar na isinasaalang-alang ang limitadong mga mapagkukunan, pagpopondo, o kakulangan ng mga pagkakataong magagamit sa kanila.

Sa temang “Kabataan at Kababaihan: Katatagan ng Bayan”, nakatakdang parangalan ang women champions at youth lea­ders.

Noong 2023 sa unang taon ng parangal ay kinilala sina Quezon City mayor Joy Belmonte, Department of Agriculture Director Alicia Ilaga, Department of Public Works and Highways Undersecretary Maria Catalina Cabral, presidente ng Mariano Marcos State University sa Batac, Ilocos Norte Dr. Shirley Agrupis, presidente ng Bukidnon State University Dr. Joy Mirasol at Maria Vicente Jalandoni, presidente ng Base Bahay Foundation, Inc.

Naging matagumpay ang PRA noong 2023 na nagbigay karangalan sa mga kababaihang aktibo sa climate action at disaster resiliency, mas pinalawak ang pagpaparangal ngayong taon kung saan ay sentro ang mga kabataan bilang pagpapahalaga sa sektor.

Pangunahing hahanapin sa women resilience champions ang natatanging abilidad na manguna sa usapin ng climate risk reduction na siyang sentro ng kahandaan at katatagan. Habang sa youth resilience champions naman ay mga kabataan na kumikilos sa pagkakaroon ng isang resilient communities na gumagamit ng science-based at evidence informed risk and resi­lience governance.

Ang PRA ay inisyatiba ng tanggapan ni Senator Loren Legarda katuwang ang Climate Change Commission, Philippine Commission on Women, National Resilience Council, Carlos P. Romulo Foundation, SM Prime, ARISE Philippines, at Women’s International Network on DRR – Philippines.

Maaaring isumite ang nominasyon sa PRA nomination portal hanggang July 31, 2024. Para sa iba pang impormasyon at kumpletong regulasyon, maaaring bisitahin ang:
· https://bit.ly/2024PRA-NominateWomen for Women Cham­pions; at
· https://bit.ly/2024PRA-NominateYouth for Youth Cham­pions

Isa ang Pilipinas sa pinakabulnerableng bansa pagdating sa epekto ng climate change and global warming.