Home METRO Nene, 6 taong hinahalay ng stepdad

Nene, 6 taong hinahalay ng stepdad

Bulacan – Arestado ang 41 anyos na amain na umanoy paulit-ulit gumahasa sa kanyang anak-anakang 13 anyos sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang naarestong suspek sa alyas “Butchok”, stepfather habang ang biktima ay itago sa pangalang Karina kapwa residente ng Brgy. Lawang Pare ng lungsod.

Sa report ng SJDM police, nangyari ang huling insidente nang panghahalay bandang 5:00 ng umaga nitong Hulyo 4 sa kanilang bahay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon at sa saksi na kuya ng biktima, nang minsang umuwi siya ay nahuli niya ang kanyang stepfather habang puwersahang nakakubabaw sa kanyang kapatid na kapwa walang saplot.

Dahil dito, dali-daling humingi ng saklolo ang nakakatandang kapatid sa kanilang kaanak at agad nagreklamo sa pulisya na rumesponde sa lugar kaya nahuli ang suspek.

Base sa salaysay ng biktima, pitong taon pa lamang siya at tuwing naiiwan mag-isa sa kanilang bahay ay hinahalay siya ng suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong R.A 11648 (Statutory Rape) habang nakakulong sa naturang istasyon.(Dick Mirasol III)