Home METRO Grade 12 utas sa ‘kuliglig’

Grade 12 utas sa ‘kuliglig’

PANGASINAN- Patay ang isang lalaking Grade 12 student matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang hand tractor (kuliglig) sa bayan ng Malasiqui ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Hulyo 3.

Ang 16-anyos na driver ng Honda TMX 125 motorcycle ay residente ng Alcala, Pangasinan samantalang ang driver ng kuliglig ay isang magsasaka, 23, walang asawa, residente ng Malasiqui, Pangasinan.

Parehong bumibiyahe ang dalawang sasakyan sa barangay road ng Waig, Malasiqui, Pangasinan nang mangyari ang insidente

Papunta umano ng timog na direksyon ang motorsiklo samantalang papunta naman ng hilagang direksyon ang kuliglig.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang driver ng motorsiklo na agad na isinugod sa Region 1 Medical Hospital sa Dagupan City, Pangasinan.

Gayunman, ang driver ng motorsiklo ay nalagutan ng hininga habang sinisikap ng umatending doktor na isalba.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng kuliglig. Rolando S. Gamoso