BULACAN – Nasakote ng mga awtoridad ang isang lalaki na itinuturing umanong notoryus na tulak ng ipinagbabawal na droga at makumpiskahan ito ng tinatayang nasa mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Minuyan Proper, San Jose Del Monte City.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Jake”, 50 anyos at residente sa naturang lugar.
Nadakip ang suspek matapos umanong maaktuhang nagbenta ng shabu sa PDEA undercover agent.
Narekober sa suspek ang nasa 30 gramo ng suspected shabu na may standard drug price ng P204,000, marked money sa buybust at cellphone na gamit nito sa transaksiyon.
Nasa kustodiya na nang PDEA Jail Facility ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Law. ROEL TARAYAO