Home NATIONWIDE NPA official, kasabwat sa pag-ambush sa militar, nasakote sa checkpoint

NPA official, kasabwat sa pag-ambush sa militar, nasakote sa checkpoint

MANILA, Philippines – Arestado ang opisyal ng New Peoples Army at isang construction worker sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng pag-ambush sa militar sa Lucena, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Darwin Palo, alyas Queen, isang opisyal ng Mala-Legal Pangkat sa Platun Reymark, at Jay-Ar Montales, isang construction worker.

Ayon sa mga awtoridad, nahuli ang dalawa matapos magtangkang tumakas sa isang checkpoint.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang militar na magkasama silang sakay ng motorsiklo. Sa halip na huminto, nagtangkang tumakas ang mga suspek ngunit nahuli sa Lucena Grand Terminal.

Si Palo ay Top 1 Regional Most Wanted sa Calabarzon at may anim na warrant of arrest, kabilang ang double homicide, multiple attempted homicide, murder, at paglabag sa Anti-Terrorism Act.

Samantala, si Montales ay nahaharap sa kasong illegal possession of firearms.

Si Palo ay pinaniniwalaang sangkot sa pangingikil sa mga negosyante, kontratista, at politiko, at itinuturong responsable sa pag-ambush sa mga sundalo noong Disyembre 12, 2024, sa San Narciso, Quezon, na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang sundalo at pagkasugat ng iba pa. Ellen Apostol