Home NATIONWIDE Ilan probisyon sa 2025 GAA ipinadedeklarang unconstitutional ng 1Sambayan sa SC

Ilan probisyon sa 2025 GAA ipinadedeklarang unconstitutional ng 1Sambayan sa SC

MANILA, Philippines – Ipinadedeklarang iligal ng 1Sambayan Coalition ang ilang probisyon sa General Appropriations Act of 2025 (GAA).

Sa inihain na petisyon sa Supreme Court, kinuwestyon ng 1Sambayanan Coalition ang Vol I-A, Item VII, Vol 1-B, Items XXL at Vol 1-B, Items XXVI ng GAA dahil sa pagiging labag umano o kontra sa 1987 Constitution dahil malinaw na nakasaad dito na bibigyan ng pinakamalaking pondo at prayoridad ang Edukasyon.

“The 2025 GAA clearly allotted a lower budget for the education sector as opposed to the DPWH,” nakasaad sa petisyun.

Kinuwestyon din ng koalisyon ang probisyon na nagpatupad sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) dahil pinapayagan umano nito ang pakikialam ng mga mambabatas sa naturang programa.

“From the foregoing, AKAP, as it is crafted under the 2025 GAA, has the badges of a congressional pork barrel,” dagdag sa petisyon.

Dahil dito, hiniling ng koalisyon na magpalabas ang SC ng temporary restraining order laban sa mga nabanggit na probisyon ng pambansang budget. Teresa Tavares