MANILA, Philippines – NANANATILING “ironclad” ang commitment ng Estados Unidos sa ‘economic at defense alliance’ nito sa Pilipinas.
Sa courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang, tiniyak ni US Defense Secretary Pete Hegseth kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na “very committed” si US President Donald Trump na mas palalimin pa ang alyansa ng Washington, pagkakaibigan at partnership sa Pilipinas.
“I had a chance to speak just a few minutes ago to our president, President Trump, who sends his regards to you as well (and) thinks very fondly of this great country,” ang sinabi ni Hegseth kay Pangulong Marcos.
“And he and I both want to express the ironclad commitment we have to the Mutual Defense Treaty (MDT) and to the partnership, economically, militarily, which our staffs have worked on diligently for weeks and weeks and months,” lahad pa rin nito.
Winika pa ni Hegseth na ang Estados Unidos ay mayroong “great interest” sa pagpapawak ng military cooperation nito at kasama ang Pilipinas, sabay sabing ito ay “mutually beneficial” at “critically important” para sa dalawang bansa.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Hegseth na magkakaroon sya ng malalim na pakikipag-usap ukol sa partnership ng dalawang bansa sa kanyang pananatili sa Pilipinas.
“And thank you for your leadership in being a friend to the United States. We look forward to many more opportunities to work together,” ang sinabi ni Hegseth.
Sinabi naman ng Pangulo, sa pagiging magkaibigan nila ng Estados Unidos ay “inherent with most Filipinos,” ikonsidera pa ang relasyon ng dalawang bansa na nabuo sa loob ng ilang daang taon sa iba’t ibang aspeto.
Itinatag ng Pilipinas at Estados Unidos ang formal diplomatic relations noong July 4, 1946.
Ang Estados Unidos din ang ‘oldest and only treaty ally’ ng Pilipinas. Kris Jose