Home METRO NPA wala nang aktibong guerilla fronts

NPA wala nang aktibong guerilla fronts

MANILA, Philippines – Sinabi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Miyerkules, Enero 3, na wala nang aktibong guerilla fronts ng New People’s Army. Aniya, ang mga ito ay nasa “last leg” na.

Ayon kay NTF-ELCAC executive director Undersecretary Ernesto Torres Jr., mayroon na lamang 14 “weakened” guerilla fronts na natitira sa armadong grupo.

“Ensuring their total dismantling will be our prerequisite for us to initiate our next steps in ensuring peace,” ani Torres.

Sinabi pa ng NTF-ELCAC na anim pang guerilla fronts ang tuluyan nang nabuwag.

Ani Torres, ang total dismantling ng guerilla fronts na ito ay makatutulong sa pagpapatuloy ng localized peace engagements ng task force.

Samantala, sinupalpal ng National Security Council (NSC) ang Communist Party of the Philippines (CPP) makaraang maglabas ito ng pahayag para sa kanilang ika-55 anibersaryo.

“The Party outlines tasks to strengthen the NPA and the revolutionary armed struggle, and carry forward the revolutionary mass movement, and the people’s struggles against the US-Marcos regime,” pahayag ng CPP.

“To make matter worse, the CPP in the same Anniversary Statement called the forthcoming ‘exploratory talks’ resulting from the Oslo Communique as ‘an additional battlefield to advance the national democratic cause’,” tugon ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya sa pahayag na ito ng CPP.

“The use of the word ‘battlefield’ is telling. This only means that the CPP have not abandoned its original position,” dagdag pa niya. RNT/JGC

Previous articleFilipino lawyer nanumpa bilang alkalde ng Bergenfield, New Jersey
Next articleKapabayaan sa Tokyo runway collision inaalam ng pulisya