Home NATIONWIDE NSA Año: PH ‘di kailangang magpaalam sa Tsina para sa access sa...

NSA Año: PH ‘di kailangang magpaalam sa Tsina para sa access sa Ayungin Shoal

MANILA, Philippines- Hindi kailangan ng Pilipinas na humingi pa ng pagsang-ayon mula sa Tsina para magkaroon ng access sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na ang naging panukala ng Foreign Ministry ng Tsina kung saan kailangan munang magpaalam ng Pilipinas sa Tsina para sa access sa Ayungin Shoal ay “absurd, nonsense at unacceptable.”

“We reaffirm our commitment to uphold our sovereign rights and jurisdiction over Ayungin Shoal, which is well within our EEZ as recognized by international law and the 2016 Arbitral Award,” giit ni Año.

“We do not and will never need China’s approval for any of our activities therein,” aniya pa rin.

Araw ng Biyernes, sinabi ng Chinese Foreign Ministry na papayagan nito ang Pilipinas na magpadala ng suplay sa BRP Sierra Madre kung ang Pilipinas ay magpaalam ng “advance” sa Tsina.

“However, the Philippines may not use this as an excuse to transport materials of construction to its naval vessels in an attempt to permanently occupy Renai Reef [Second Thomas Shoal],” base kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning.

Tugon ito sa report ng Philippine Coast Guard (PCG) na hinadlangan ng Tsina ang evacuation ng Filipino servicemen na nangangailangan ng medical treatment.

Kinastigo rin ni Año ang ginawang paglusob ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS). Inilarawan niya ang aksyon ng mga Chinese bilang “pasaway at kailangan na imbestigahan.”

“The incident on May 19, 2024, involving the China Coast Guard’s aggressive actions against a Filipino vessel evacuating a sick soldier from the BRP Sierra Madre is barbaric and inhumane. Such actions are not only violations of international maritime laws but also of basic human rights,” ayon kay Año.

“The recent reports of Chinese forces allegedly seizing food and medical supplies meant for our advance post in Ayungin Shoal are equally reprehensible and warrant a thorough investigation and accountability,” dagdag ng opisyal.

Iginiit pa ni Año na ipagpapatuloy ng Pilipinas na panatilihin at mag-supply sa outposts sa West Philippine Sea, kabilang na ang BRP Sierra Madre, na hindi hihingi ng permiso mula sa anumang bansa.

“Nonetheless, the Philippines remains open to dialogue and peaceful negotiations to resolve disputes in the entire South China Sea,”p hayag niya.

“However, such dialogue must be based on mutual respect and adherence to international law. We call on China to respect the arbitral ruling and to cease any actions that escalate tensions or undermine regional stability,” dagdag na wika ni Año. Kris Jose