Home OPINION NTF-ELCAC KAISA NG U.N.

NTF-ELCAC KAISA NG U.N.

374
0
INIHAYAG ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, NTF-ELCAC kamakailan na nakikiisa ito sa United Nations at iba pang ‘global community’ sa paggugunita ng International Day of Remembrance and Tribute to the Victims of Terrorism.
Ano bang ibig sabihin nito? Sino ang mga inaalala natin? Yaon bang mga terorista o mga nabiktima nila?
Ang pag-gunita ay may tema pang “Legacy: Finding Hope and Building a Peaceful Future”.
Legacy, pamana di ba?  Ipinamamana sa atin ang ideyang lagi tayo dapat umasa at makiisa sa pagtataguyod ng kapayapaan.Makiisa sa paghahanap ng kapayapaan para sa lahat. Kung maaari nga ay lumaban pa at makibaka para makamtam ang kapayapaan. Di ba masarap mamuhay sa gitna ng kapayapaan?
Wala naman talagang ibubungang maganda ang terorismo. Kaya kailangan nating maging mapagbantay upang pangalagaan ang kapayapaang ating tinatamasa.
Nanlulumo tayo kapag nababalitaan nating ang ating mga kababayan ay lumisan dahil naging biktima ng terorismo. Mga walang-awang pinaslang, makahasik lamang ng takot sa lahat.
Kaya sabi nga ng ating kaibigang si Undersecretary Ernesto Torres Jr., Executive Director ng National Secretariat ng NTF-ELCAC, ang task force kasama ang 12 National Clusters at 17 Joint Regional Task Forces and Local Task Forces nito sa buong bansa, ay magiging kasama ng United Nations at ng international community, sa adhikaing wakasan ang terorismo, ‘di lang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo.
Sa kanila nga raw nang pagkukundina ng mga bansa sa mga gawaing terorismo, patuloy pa ring nangyayari ito para maisulong lamang ng iilan ang ideolohiya nilang pinaniniwalaan, na kadalasan naman at taliwas sa paniniwala ng lahat na kapayapaan lang ang inaasam.
Gaya rito sa atin, tayong mga Filipino ay ‘di rin nilalayuan ng terorismo. Patuloy ang CPP-NPA-NDF sa paghahasik ng lagim, gayung kakaunti na lamang ang mga armadong miyembro nito.
Pero isa lang ang alam ko, ang NTF-ELCAC ay kasama nating patuloy na magsusulong ng kapayapaan, upang ipakita sa mga komunistang-terorista na mas mainam ang mamuhay sa gitna ng kapayapaan kaysa sa magulong mundo ng terorismo.
“Together against terror, for lasting peace for all nations, ” ang sabi nga ni Usec. Torres.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here