Home METRO Nuclear plant planong itayo sa Pangasinan

Nuclear plant planong itayo sa Pangasinan

PANGASINAN- Pinag-aaralan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Labrador, Pangasinan ang planong pagtatayo ng nuclear power plant sa nasabing bayan.

Buo naman ang tiwala ni Labrador Mayor Ernesto Acain na malaki ang potensyal nilang makapagtayo ng nuclear power plant dahil sa paborableng lokasyon.

“Kinakailangan kasi ng napakalaking body ng tubig, mayroong beach na nakukuhanan ng cooling system at pagkukunan para sa nuclear reactor at mga kabundukan para sa nuclear reactor,” anang alkalde.

Nauna nang pumabor si 2nd district Representative Mark Cojuangco sa pagtatayo ng nuclear plant sa bayan dahil malaki ang maitutulong nito lalo na sa pag-aangkat ng langis.

Sa panig naman ni Binmaley Mayor Pedro Merrera III, sinabi nito na kailangan ng siyentipikong pag-aaral bago ituloy ang naturang proyekto.

Samantala, ilang residente naman ang nagsabing hindi maaaring itayo ang nuclear plant sa lugar kung saan maraming nakatira dahil maaapektuhan ang kalusugan at kalikasan.

Gayunman, sinabi ng lokal na pamahalaan, 65% ng populasyon ay pabor sa nabanggit na proyekto. Mary Anne Sapico