Home ENTERTAINMENT Julia Victoria, sinigurong mag-e-enjoy ang mga barako!

Julia Victoria, sinigurong mag-e-enjoy ang mga barako!

208
0

Manila, Philippines- After more than a year, balik sa pag-arte sa harap ng camera ang sexy actress na si Julia Victoria. Ito’y via the movie Sisid Marino with the award winning Direk Joel Lamangan.

Inusisa namin si Julia hinggil sa kanyang new movie.

Aniya, “Ang role ko po sa Sisid Marino, ako po ang gumanap na Susan na asawa ni Elmer, played by John Mark Marcia.”

Esplika pa ni Julia, “Last year pa po ako huling gumawa ng movie, eh. Ito yung Hilom ni Direk GB Sampedro, with Arron Villaflor and Christine Bermas.”

Gaano siya ka-sexy dito and ano ang masisilip sa kanya sa bago niyang movie?

“Panoorin na lang po nila siguro, para ma-curious naman sila kung ano ang masisilip dito, hehehe,” nakatawang sambit ng hot na hot na talent ni Lito de Guzman.

Tiniyak din ng Vivamax sexy actress na mag-eenjoy ang mga barako sa mapapanood nila sa Sisid Marino.

“As always naman yata depende kasi sa taste nila yun, pero lagi naman po enjoy sa mga lalaki yung napapanood nila sa movie namin,” nakangiting wika pa ni Julia.

Bukod kina Julia at John Mark, kasama rin sa kanilang pelikula sina Ataska, Cariz Manzano, Juan Paulo Calma, Ayah Alfonso, Yda Manzano, at iba pa.

Si Julia ay co-producer ni Lito de Guzman sa pelikulang ito.

Sa malupit na hotness ni Julia at sa tapang niya sa maiinit na lampungan at hubaran, tiyak na masosolb nang husto ang lahat ng manonood ng pelikulang ito sa Vivamax. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here