Home METRO Blacklisted Indian national naharang ng BI

Blacklisted Indian national naharang ng BI

MANILA, Philippines- Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang naka-blacklist na Indian national makaraang tangkain nitong makapasok sa bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Kinilala ng BI ang lalaking dayuhan na si Kulwinder Singh na naharang sa kanyang pagdating sa isang Scoot airlines flight TR390 mula sa Singapore noong Mayo 6.

Napag-alamang siya ay napapailalim sa isang blacklist order na inisyu laban sa kanya noong 2023 matapos na pigilan noon dahil sa posibilidad na maging isang public charge.

Nabatid sa BI na sinubukan ni Singh na muling pumasok sa bansa, ngunit tinanggihan ito matapos makita sa database ng BI na ito ay isang undesirable foreigner.

Binigyang-diin ni BI Commissioner Norman Tansingco ang kahalagahan ng pagbabantay sa pangangalaga sa mga hangganan ng bansa.

“Our primary responsibility is to ensure the integrity of our immigration procedures and protect our nation from individuals who pose a threat to our security,” giit ni Commissioner Tansingco.

Dahil dito, kinailangan ni Singh na sumakay sa susunod na available na flight pabalik sa kanyang pinanggalingang daungan. JAY Reyes