Home SPORTS Nuggets star Murray pumirma ng 4-year $208M extension

Nuggets star Murray pumirma ng 4-year $208M extension

Sumang-ayon ang star point guard ng Denver Nuggets na si Jamal Murray sa apat na taon, $208 milyon na maximum na extension ng kontrata, ayon sa kanyang ahente na si Jeff Schwartz at Mike George.

Hindi magiging free agent ngayon summer dahil sa kasuduan si Murray na  itinuturing na isa sa mga  pundasyonng franchise sa Nuggets sa kabuuang limang season na nagkakahalaga ng $244 milyon.

Kikita si Murray  ng $36 milyon sa darating na season bago tumaas sa $46.4 milyon sa 2025-26. Kumita siya ng $50.1 milyon sa 2026-27, $53.8 milyon sa 2027-28 at $57.5 milyon sa huling taon ng deal, ayon sa ulat.

Naging mahusay na running mate si Murray, 27, ni 3-time MVP Nikola Jokic, isang pick-and-roll partner para sa isa sa mga pinaka-maimpluwensyang kumbinasyon sa NBA.

Nakagawa si Murray ng kahanga-hangang pagbabalik matapos mapalampas ang 2021-2022 season na may punit na ACL, bumalik upang tulungan si Jokic na pangunahan ang Nuggets sa NBA championship sa susunod na season.

Si Murray, isa sa walong manlalaro na may maraming 50-point playoff games sa kasaysayan ng NBA, ay ang all-time leader ng franchise sa ginawang 3-point shots. Nag-average siya ng career highs na 21.2 points at 6.5 assists noong nakaraang season.

Isa si Murray  sa tatlong manlalaro na may average na 20 puntos, anim na assist at 40% 3-point shooting isang season ang nakalipas, ayon sa pa rin sa ulat.