Home HOME BANNER STORY Number coding sa Metro Manila, suspendido sa Hunyo 12

Number coding sa Metro Manila, suspendido sa Hunyo 12

1
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (Metropolitan Manila Development Authority) na suspendido ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Hunyo 12, 2026 bilang paggunita sa Araw ng Kalayaan.

Ayon sa MMDA, ang suspensyon ay dahil ito ay isang regular holiday, at awtomatikong hindi ipinatutupad ang number coding tuwing regular at special non-working holidays.

Pinayuhan din ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe nang maaga upang maiwasan ang abala sa pagdagsa ng mga sasakyan sa mahabang weekend.

Nagpaalala rin ang ahensya na sumunod sa mga traffic rules at laging mag-ingat sa kalsada para sa kaligtasan ng lahat. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here