Home LIFESTYLE HEALTH Kaso ng Ebola sa Congo, umabot na sa halos 600

Kaso ng Ebola sa Congo, umabot na sa halos 600

3
0

KINSHASA, Congo – Inanunsyo ng Democratic Republic of Congo na umabot na sa 598 ang kumpirmadong kaso ng Ebola habang 115 na ang namatay, kasabay ng patuloy na pagkalat ng outbreak sa ilang probinsya.

Ayon sa ulat, ang outbreak ng Bundibugyo strain ng Ebola ay idineklara noong Mayo 15, ngunit tinatayang ilang linggo na itong hindi napansin kaya nahirapan ang mga awtoridad na kontrolin ito.

Ang outbreak ay kumakalat sa mga probinsya ng Ituri, North Kivu, at South Kivu—mga lugar na matagal nang apektado ng armadong tunggalian.

Ayon sa gobyerno ng Congo, 22 pasyente na ang gumaling at wala pang pagkalat sa ibang health zones sa mga huling kaso.

Naitala ang mga kaso sa 17 health zones sa Ituri, pitong health zones sa North Kivu, at isang health zone sa South Kivu.

Nagbabala ang mga awtoridad na agad magtungo sa health center ang sinumang may lagnat, pagsusuka, pagtatae, o matinding panghihina, at sundin ang mga health workers.

Hinimok din nila ang publiko na huwag umatake sa health workers dahil nakaaapekto ito sa pagtugon sa outbreak. Ayon sa mga ulat, may mga insidente ng pag-atake sa burial teams at treatment centers, habang hirap din ang mga medical workers sa kakulangan ng kagamitan.

Nanawagan ang International Rescue Committee ng karagdagang pondo upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng sakit. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here