Home HOME BANNER STORY Number coding scheme suspendido ng 8 araw

Number coding scheme suspendido ng 8 araw

290
0

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspindido ang number coding scheme sa panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Ayon sa MMDA, awtomatikong hindi ipapatupad ang number coding sa mga sumusunod na araw: Disyembre 23, 24 (Christmas Eve), 25 (Christmas Day), 29, 30 (Rizal Day), 31 (New Year’s Eve), Enero 1 (New Year’s Day), at Enero 2, 2026.

Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na walang pagbabago sa umiiral na scheme, kahit na magsisimula ang rehabilitasyon sa EDSA mula gabi ng Disyembre 24 hanggang umaga ng Enero 5.

Tiniyak ni DPWH Secretary Vince Dizon na magiging minimal ang abala sa trapiko dahil walang isasara na lane.

Ayon sa MMDA, mahigit 2,500 traffic enforcers ang ide-deploy sa Metro Manila para sa holiday season, kasunod ng inspeksyon sa mga kalsada dalawang linggo na ang nakalipas upang maging handa sa inaasahang dami ng pasahero. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here