Home METRO Number coding suspendido sa Abril 9-10

Number coding suspendido sa Abril 9-10

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Linggo, Abril 7 ang suspensyon ng number coding scheme sa Abril 9 at 10, 2024.

Idineklarang regular holiday ang Abril 9 para sa Araw ng Kagitingan habang ang Abril 10 ay sa Ramadhan.

Inabisuhan ng MMDA ang mga motorista na planuhin ang kanilang byahe at panatilihin ang pagsunod sa mga regulasyon sa trapiko. RNT/JGC