MANILA, Philippines- Maaaring subukan ng mga Pilipinong nais magtrabaho sa ibang bansa na mag-apply sa Austria, na naghahanap ng mga propesyonal sa hospitality, healthcare at information technology/engineering sectors.
Ayon sa ulat batay sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Huwebes, maaaring kumita ang mga manggagawa sa hospitality sector mula P124,000 hanggang P186,000; healthcare sector mula P155,000 hanggang P255,000; at IT/engineering sector mula P186,000 hanggang P373,000.
Mayroon ding oportunidad na maging permanenteng residente sa Austria ang matatanggap sa trabaho rito.
Bukod dito, magkakaroon din sila ng access sa healthcare at iba pang social services sa Austria. Gayundin, maging mga kaanak nila ay magkakaroon ng job opportunities dito. RNT/SA