MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang oath taking ng mga bagong Deputy Court Administrators ng korte na sina Leo Madrazo, Lilian Barribal-Co, at Rainelda Estacio-Montesa.
Itinalagang Deputy Court Administrator si Madraza para sa Operations, habang si Barribal-Co para sa Administration at si Estacio-Montesa naman para sa Regional Services.
Ang pagtatalaga sa mga bagong court administrator ay bahagi ng modernisasyon ng Office of the Court Administrator sa ilalim ng bagong Central OCA Leadership Team na pinamumunuan ni Court Administrator Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta.
Layon ng reporma na mapabilis ang proseso sa mga hukuman, mapagaan ang trabaho ng mga executive judge, at maisulong ang digital transformation sa buong hudikatura.
Kasabay nito, binago rin ang tungkulin ng mga DCA mula rehiyonal tungo sa mas espesyalisadong operasyon upang higit na mapaigting ang serbisyo sa mga korte sa buong bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden