MANILA, Philippines – Hinimok ng isang Katolikong prelate ang mga mananampalataya na ipagdasal ang mga biktima ng pag-atake ng mga rebelde noong Marso 6 sa Gulf of Aden kung saan napatay ang tatlong tripulante, dalawa rito ay mga Filipino seafarer.
“In this moment of war, chaos, and uncertainty, let us all turn to God for His divine intervention. Let us pray for peace in the Middle East, entrusting everything in His power and mercy…We are one and united with the families of the victims. We urge them to be strong and lift up everyone and everything to God,”sabi ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa Church-run Radyo Veritas.
“We call on the Houthis to stop all the attacks, aggression, and intrusion in the Red Sea. This incident underscores the danger to human life, property, and the marine environment in the area,” dagdag pa ng Obispo.
Ang pag-atake sa MV True Confidence ay ang unang nakamamatay na pag-atake dahil sa tensyon sa Red Sea, isa sa mga mahalagang ruta ng kalakalan mula sa Europe, Middle East at Asia.
Ayon sa isang opisyal na pahayag ng Indian Navy at inilabas ng Anadolu news agency noong Marso 7, ang Barbados-flagged Bulk Carrier MV True Confidence ay iniulat na “tinamaan ng drone/missile” sa timog-kanluran ng Aden noong Miyerkules, na nagresulta sa sunog sa barko at mga kritikal na pinsala sa ilan sa mga tripulante na dahilan para abandonahin ang barko.
Sinabi ng Obispo na nananalangin siya para sa interbensyon ng Diyos upang maantig ang mga puso ng magkakaibang partido at matigil ang poot na nakakaapekto sa mga inosenteng tao.
Nagsimulang salakayin ng Yemeni militia group , Houthis ang Red Sea noong Nobyembre 2023 bilang suporta sa mga Palestinian sa pagsisimula ng Israel – Hamas militant war.
Hinuli rin ng grupo ang 17 Filipino crew members ng Galaxy Leader cargo ship sa Red Sea. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)