Home METRO Obispo humimok ng panalangin, pakikiisa sa mga naapektuhan ng giyera

Obispo humimok ng panalangin, pakikiisa sa mga naapektuhan ng giyera

140
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pakikiisa ang isang Obispo sa mga suliraning kinakaharap ng mga mamamayan lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan dahil sa tensyon sa Middle East.

Sa inilabas na pastoral message noong Marso 12, nanawagan si Bishop Julito B. Cortes ng Diocese of Dumaguete ng patas na presyo ng mga bilihin sa gitna nagpapatuloy na giyera sa pagitan Amerika, Israel at Iran.

Binigyang-diin ni Cortes na nagdudulot ng dagdag na pasanin sa mga pamilya, manggagawa, magsasaka, mangingisda at mga nasa sektor ng transportasyon ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.

Pinakikilos din ng Obispo ang ibat-ibang sektor ng lipunan nang may pananagutan at malasakit upang matiyak ang makatarungang presyo  ng mga produkto at mas mapangalagaan ang kapakanan ng mahihirap at mga pinakaapektado ng sitwasyon.

Nanawagan din si Cortes sa mga parokya, Basic Ecclesial Communities at iba pang organisasyon ng simbahan na palalimin ang pakikiisa at magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng kasalukuyang kalagayan.

Hinimok din ni Cortes ang mga mananampalataya na ipagpatuloy ang panalangin para sa kapayapaan sa Middle East at sa buong mundo.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Cortes ang publiko na maging maingat sa paggamit ng social media at umasa lamang sa mga mapagkakatiwalaang impormasyon kaugnay ng umiiral na sigalot. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here