Bulacan – Sugatan ang isang lalaki matapos umanong mahulog sa ginagawa niyang bubong ng pabrika sa bayan ng Bustos.
Kinilala lamang ang biktima sa alyas Alden, construction worker sa isang pabrika sa Brgy. Bonga Menor.
Sa report, nangyari ang aksidente bandang 11:10 ng tanghali nitong Huwebes, Enero 4 sa naturang lugar.
Agad dinala ng rumespondeng rescue team ang biktimang nagtamo ng left leg fractured, avulsion on lower lip at hematoma sa mukha sa Jose Lingad Memorial General Hospital para sa paunang lunas.
Sinasabing ang bubong ng pabrika na kanyang ginagawa at aksidenteng pinagbagsakan ay may taas na aabot sa 20 talampakan. Dick Mirasol III