Home METRO Obrero napagkamalang magnanakaw, binaril ng sekyu!

Obrero napagkamalang magnanakaw, binaril ng sekyu!

236
0

MANILA, Philippines – Isang security guard ang dinakip makaraang barilin nito ang isang construction worker matapos napagkamalan umano nitong magnanakaw sa Bacoor City, Cavite.

Hawak ngayon ng Bacoor Component City Police Station ang suspek na si alyas Alexander, Security Guard at residente ng Villar Island Farm, Brgy San Nicolas 2, ng nasabing lungsod na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Physical Injuries and other forms of Tresspassing dahil sa reklamo ng biktimang si alyas JR, 31, binata, isang Obrero ng Brgy Niog 1, na kasalukuyang ginagamot sa Las Pinas Distrct Hospital dahil sa tama ng bala sa katawan na nahaharap din sa kaso makaraang mag-countercharge ang sekyu.

Sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling araw nagsasagawa ng roving inspection ang suspek sa kanyang binabantayan sa Villar Farm, ng nasabing lugar nang napansin nito ang biktima sa lugar na napagkamalan nito na isang magnanakaw.

Nilapitan nito ang biktima at tinutukan niya ng kanyang service firearm subalit pumutok at tinamaan ang una.

Kahit sugatan ang biktima ay nakahingi pa ng tulong sa Brgy San Nicolas 2 at kaagad na naisugod sa ospital kung saan kasalukuyang ginagamot.

Mabilis namang naaresto ang suspek sa isang follow up operation. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here