Home METRO Rider lasog sa araro ng truck

Rider lasog sa araro ng truck

182
0

Bulacan – Patay ang 35-anyos na lalaking motorcycle rider nang aksidenteng mabangga sa isang truck sa bayan ng Bocaue nitong madaling araw ng Setyembre 8.

Sa report kay PCOL. Angel Garcillano, Bulacan police director, kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si alyas Edwin, residente ng Norzagaray.

Ayon sa report, naganap ang insidente bandang 1:50 ng madaling araw sa kahabaan ng Mac Arthur highway sakop ng Brgy. Bunlo, Bocaue.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, binabagtas ng biktimang lulan ng Yamaha Mio motorcycle ang pa-norteng direksyon nang tangkaing mag-over take sa isang sasakyan at aksidenteng bumangga ito sa kaliwang bahagi ng kasalubong na Sino truck.

Dahil sa salpukan, kinaladkad ng truck sa kalsada ang motorsiklo kaya nagtamo ng malalang sugat sa ulo at ibat-ibang parte ng katawan ang biktimang binawian ng buhay.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang naarestong driver na si alyas Robin habang nasa kustodiya ng pulisya. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here