MANILA, Philippines – Pinagsasaksak hanggang mapatay ang isang 56-anyos na obrero ng mismong pamangkin nito sa argumento tungkol sa pagpapabakod sa nirerentahang lupa sa Sitio Ema, Barangay Camangcamang, Isabela, Negros Occidental.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Lambrito Sarimong.
Ayon kay Police Major Joseph Partidas, Isabela police chief, ang biktima at 39-anyos na suspek na si Jun-Jun ay may away tungkol sa lupa.
Sa kabila nito, ang girian ay nauwi sa pagpatay matapos malaman ng biktima na binakuran ng kaanak ang bahagi ng kanyang nirerentahang lupa.
Nainsulto ang biktima at nagtungo sa bahay ng suspek na may dalang kutsilyo at hinamon ang tito na sa oras na iyon ay nakikipag-inuman.
Kalaunan ay sinaksak ng suspek ang kanyang tiyuhin.
Nadala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang patay.
Agad na tumakas ang suspek at nagtago sa bahay ng kaanak sa Barangay Mansablay, Isabela ngunit agad namang naaresto.
Nahaharap sa reklamong pagpatay ang suspek. RNT/JGC