Home NATIONWIDE P130M shabu, marijuana nasamsam ng PRO-Cordillera noong Oktubre

P130M shabu, marijuana nasamsam ng PRO-Cordillera noong Oktubre

MANILA, Philippines – Iniulat ng POR-Cordillera Regional Operations Division na nakakumpiska ito ng aabot sa P130 milyong halaga ng marijuana at shabu mula sa 102 operasyon nito.

Kabilang sa mga operasyon ay ang 78 marijuana eradication, 12 buy-bust operations, anim na pagsisilbi ng search warrants, tatlong pagseserbisyo ng arrest warrants at tatlong pagresponde ng pulisya.

Sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 107.41 gramo ng shabu, 470,353 fully grown marijuana plants, 27,402 marijuana seedlings, limang gramo ng marijuana seeds, 274,525.50 gramo ng dried marijuana leaves at fruiting tops, 10 gramo ng dried marijuana leaves at fruits, at tatlong milliliters ng marijuana oil.

Labinglima sa mga naaresto ay high-value individuals habang 10 ang street-level individuals.

Nakakumpiska ang Kalinga Police Provincial Office ng mga illegal na droga na aabot sa P59,057,110 ang halaga; Mountain Province PPO sa P45,098,005; Benguet PPO sa P25,296.48, at Baguio City Police Office sa P553,036. RNT/JGC