Home METRO Poultry helper tiklo sa panggagahasa ng dalagita

Poultry helper tiklo sa panggagahasa ng dalagita

MANILA, Philippines – Naaresto ng pulisya ang isang 55-anyos na poultry helper sa Lobo, Batangas sa umano’y paulit-ulit na panggagahasa sa 16-anyos na dalagita.

Kinilala ng Police Regional Office 4-A ang suspek na si Leo ng San Juan, Batangas.

Siya ang itinuturing na fifth most wanted person sa regional level sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon area.

Naaresto si Leo sa warrant para sa 17 counts ng rape na inisyu ni Judge Rose Marie J. Manalang-Austria, executive judge ng Regional Trial Court, Branch 87, Rosario, Batangas, na may petsang Agosto 23, 2024.

Walang inirekomendang piyansa ang korte dahil sa tindi ng kaso nito. RNT/JGC