Home NATIONWIDE Polio vaccinations sa Gaza, itutuloy na – WHO

Polio vaccinations sa Gaza, itutuloy na – WHO

GAZA – Sinabi ng World Health Organization nitong Biyernes, Nobyembre 1 na itutuloy na ang ikalawang round ng child polio vaccination program sa northern Gaza.

Ang anunsyo ng pagpapatuloy ng huling phase ng polio vaccination sa Gaza Strip ay kasunod ng paghimok ni US Secretary of State Antony Blinken sa Israel na makipagtulungan sa mabilis na pagkumpleto sa kampanya.

Nagsimula ang vaccination drive noong Setyembre 1 matapos makumpirma ang kauna-unahang kaso ng polio sa lugar sa nakalipas na 25 taon.

Nakumpleto na ng unang round ng bakunahan sa Gaza Strip, at ang ikalawang round naman ay nagsimula noong Oktubre 14 sa central gaza, at sa timog na bahagi ng bansa.

Sa kabila nito, ipinagpaliban ng WHO ang huling four-day phase sa hilagang bahagi na nakatakda sanang magsimula noong Oktubre 23 dahil sa “intense bombardment” dahilan para maging mahirap ang sitwasyon ng pagbabakuna.

Matatandaan na naglunsad ang Israel ng major air at ground assault sa northern Gaza noong nakaraang buwan upang mahinto umano ang regrouping ng mga militanteng Hamas sa nabanggit na lugar.

“Polio vaccination in northern Gaza is ready to resume tomorrow,” sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus nitong Biyernes.

“We are assured of the necessary humanitarian pause in Gaza City to conduct the campaign. Unfortunately, the area covered is substantially reduced compared to the first round of vaccination, which will leave some children unprotected and at higher risk of infection.” RNT/JGC