MANILA – Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Occidental Mindoro nitong Miyerkules ng gabi, sabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang tectonic na lindol ay tumama sa layong 14 km. hilagang-silangan ng Looc alas-7:37 ng gabi. May lalim itong 43 km.
Naramdaman ang Intensity III sa Batangas City, habang Intensity II naman sa Tagaytay City, Cavite province; at Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Naitala rin ang Instrumental Intensity III sa Tagaytay City, habang Intensity II naman sa Puerto Galera.
Sinabi ng Phivolcs na hindi inaasahan ang aftershocks at pinsala mula sa magnitude 4.6 na lindol. RNT