MANILA, Philippines – Ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay magdadala ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan sa Palawan, Visayas, at Mindanao sa Huwebes, iniulat ng PAGASA.
Ang Palawan ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa ITCZ na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang Visayas at Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa ITCZ na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorm na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkulog. RNT