Home METRO OCD: 709 pamilya inilikas kasunod ng tsunami alert sa Taiwan quake

OCD: 709 pamilya inilikas kasunod ng tsunami alert sa Taiwan quake

MANILA, Philippines- Nasa 700 pamilya ang inilikas bilang pag-iingat kasunod ng malakas na lindol sa katubigan malapit sa Taiwan na dahilan upang maglabas ng tsunami alerts.

Sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Huwebes na may kabuuang 709 pamilya ang inilikas sa mga rehiyon ng Ilocos Region at Cagayan Valley sa pagtataas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng tsunami warning kasunod ng major quake nitong Miyerkules ng umaga.

Sa Pancian at Pagudpud sa Ilocos Norte, 20 pamilya ang dinala sa ligtas na lugar, base sa OCD, habang 109 pamilya kabilang ang 71 sa Sanchez Mira at 38 sa Ballesteros sa Cagayan; at 580 pamilya kabilang ang 551 sa Divilacan, 18 sa Maconacon, at 11 sa Dinapigue sa Isabela ang inilikas.

Nakauwi na sa kanilang mga tahanan ang evacuees matapos alisin ng Phivolcs ang tsunami alerts ilang oras matapos wala nang ma-monitor ang state seismologist na anumang sea level tremors dahil sa 7.2-magnitude earthquake malapit sa Taiwan. RNT/SA

Previous articleFake narrative ng Tsina vs Pinas pinatatalupan
Next articleCyber defense capabilities pinaigting ng AFP vs hacking