Home HOME BANNER STORY OceanGate tuloy sa paghahanap ng pasahero sa pagsisid sa Titanic

OceanGate tuloy sa paghahanap ng pasahero sa pagsisid sa Titanic

PATULOY pa rin ang OceanGate, ang kumpanyang nasa likod ng pagpapaupa sa submersible para sa ekspedisyon upang masilayan ang Titanic na nagresulta sa isang ‘catastrophic implosion’ noong nakaraang linggo, ng isa pang ekspedisyon para sa 2024.

Sa kanilang website, nakalista ito ng dalawang misyon na naka-iskedyul mula Hunyo 12-20 at Hunyo 21-29, 2024, na nagkakahalaga ng $250,000 (approx. P13,802,875) bawat tao, kasama ang isang submersible dive, pribadong akomodasyon, lahat ng kinakailangang pagsasanay, expedition gear , at lahat ng pagkain habang nakasakay.

Available lang ang mga slot para sa maximum na anim na tao, na may minimum na edad na kinakailangan na 17 taong gulang.

“Follow in Jacques Cousteau’s footsteps and become an underwater explorer — beginning with a dive to the wreck of the RMS Titanic. This is your chance to step outside of everyday life and discover something truly extraordinary,” saad sa advertisement ng website, “Become one of the few to see the Titanic with your own eyes.”

Ibinahagi din ng website ang itineraryo ng ekspedisyon, kabilang ang pagsasanay at pagsisid upang makita ang “iconic wreck” ng Titanic. RNT

Previous articleManhunt vs Bantag, Zulueta tuloy – PNP
Next articleZubiri target magretiro na sa 2028