Home METRO OcMin ginising ng M-4.9 na lindol

OcMin ginising ng M-4.9 na lindol

MANILA, Philippines – Yumanig ang magnitude 4.9 na lindol ang sa hilagang-kanluran ng Abra de Ilog sa Occidental Mindoro ngayong Huwebes ng umaga, Pebrero 1, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Nauna nang iniulat ng PHIVOLCS na magnitude 5.0 ang naganap sa lugar.

Ang lindol, na naganap alas-4:46 ng umaga ay tectonic ang pinagmulan na may lalim na 11 kilometro.

Iniulat din ng PHIVOLCS na inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at maaaring walang aftershocks. Santi Celario

Previous article#WalangPasok, Huwebes, Peb. 1
Next articleGranada sumabog sa chapel sa CDO