Home HOME BANNER STORY Granada sumabog sa chapel sa CDO

Granada sumabog sa chapel sa CDO

CAGAYAN DE ORO – Sumabog ang isang vintage smoke grenade sa isang chapel sa Barangay Puntod.

Ang granada ay aksidenteng natagpuan ng isang construction worker na si Nicolas Tanggan habang nagtatrabaho sa sahig ng kapilya.

Hindi agad napansin ni Tanggan na ito ay isang granada kaya itinapon niya ito at sumabog.

Nagpahayag naman ng pangamba ang mga residente sa lugar sa kanilang kaligtasan matapos ang insidente.

Kinuha ng Explosives Ordnance Division (EOD) ang granada. RNT

Previous articleOcMin ginising ng M-4.9 na lindol
Next article2 patay sa banggaan ng ferry at water taxi