Home NATIONWIDE OFW na namatayan ng anak sa NAIA crash tutulungan ng DMW

OFW na namatayan ng anak sa NAIA crash tutulungan ng DMW

MANILA, Philippines – Magbibigay ng tulong ang Department of Migrant Workers (DMW) sa overseas Filipino worker (OFW) na namatayan ng limang taong gulang na anak matapos araruhin ng SUV sa departure area ng NInoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Sinabi ng DMW na handa rin nilang tulungan ang mga OFW na nakatakda sanang lumipad patungong Europa sa pagpapaliwanag sa kanilang employer.

Bukod sa nasawing anak, sugatan din ang asawa nito sa aksidente na nangyari Linggo ng umaga, Mayo 4.

Nanawagan din ang DMW ng katarungan kasunod ng insidente na kumitil sa buhay ng isa pang lalaki at ikinasugat ng iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden