MANILA, Philippines- Pinag-iingat ng Department o Migrant Workers (DMW) ang overseas Filipino workers kasama na ang mga Pilipinong turista na nanatili at naglalakbay sa Schengen area dahil maraming bansa sa Europe ang nagpataw na mas mahigit na border controls.
Ito ay bilang tugon sa banta sa seguridad sa naturang mga bansa gaya ng pinahihintulutan sa ilalim ng Schengen Borders Cose (SBC).
Sa Advisory No.02 series of 2025 na inilabas ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nakasaad dito na ilang mga bansa sa loob ng Schengen area ang pansamantala muling nagpatupad ng border controls kaya naman pinag-iingat ang mga OFW sa kanilang pagtawid sa mga hangganan.
Sinabi ni Cacdac na ang mga apekadong nasyon ay kinabibilangan ng Denmark, Norway,Slovenia at Sweden na nagpatupad ng mas mahigpit na border measures kabilang ang pagtaas ng survellaince,mahigpit na pagsusuri sa cross-border trains, permanenteng police stationing at pagsaliksi ng facial recognition technology .
Bilang karagdagan, ang iba pang mga estado ng European Union na nagbabahagi ng mga hangganan sa Switzerland ay nagpatibay din ng mga border control para sa mga partikular na panahon.
Kabilang dito ang Austria na nagpapataw ng kontrol sa hangganan mula Oktubre 16, 2024 hanggang Abril 15, 2025; France, mula Nob. 1, 2024 hanggang Abril 30, 2025; Germany, mula Nob. 12, 2024 hanggang Marso 15, 2025; at Italy, mula Hunyo 19, 2024 hanggang Disyembre 18, 2025.
Sinabi ng DMW na ang tagal at saklaw ng naturang mga border control ay limitado sa kung ano ang kinakailangan upang matugunan ang natukoy na banta. Jocelyn Tabangcura-Domenden