Home ENTERTAINMENT Proposal ni VG Marc sa jowa, inaabangan sa Feb. 12!

Proposal ni VG Marc sa jowa, inaabangan sa Feb. 12!

Manila, Philippines – Twenty years ang age difference ni Batangas Vice Governor Marc Leviste at nobya niyang si Aira Lopez.

Hindi na bago sa pandinig ang agwat ng mga edad ng ilang showbiz as well as non-showbiz couples.

Kaya nakakapagtakang may ilan who feel awkward just because Aira is 20 years Marc’s junior.

As long as masaya sila in each other’s company ay hindi na mahalaga kung ano ang opinyon ng ibang tao.

At sa kaso nina Marc at Aira, they seem unbothered.

Sa katunayan, may inihahandang sorpresa ang couple sa darating na February 12.

Inanunsyo ni Marc na samahan sila sa Facebook live with matching oras ра.

May mala-survey kasi si Marc kung anong Valentine gift ang gustong matanggap ng mga tao.

Mostly ay mga constituents niya ang sumagot: flowers on Love Day.

Pero may wild guess din ang mga ito.

Posible rin daw na itaon ni Marc ang pagpo-propose niya kay Aira sa mismong araw na ‘yon.

Kung matatandaan, minsang naging espesyal ang February 14 sa buhay ni Marc dahil ito ang kaarawan ng kanyang ex-girlfriend na si Kris Aquino.

Kay Marc din galing noon ang “planong pag-iisang-dibdib” nila ni Kris either on her birthday o kaarawan niya mismo.

Siyempre, all’s water under the bridge now. Ronnie Carrasco III