Home ENTERTAINMENT Ogie, tanggap na ang boylet ng anak!

Ogie, tanggap na ang boylet ng anak!

204
0

Manila, Philippines- Sa isang panayam, hindi itinago ni Ogie Alcasid na sumama ang kanyang loob sa anak na si Leila nang makipag-live in ito sa kanyang nobyo.

Si Leila ay anak ni Ogie sa Miss Australia 1994 Michelle Eimereen who’s based in the Land Down Under.

Kasagsagan ng pandemya nang bumukod si Leila para makisama kay Mito Fabie o Curtissmith, isang singer-rapper.

Na-realize din ni Ogie na iba na ang mga kabataan sa makabagong panahon.

Kahit anong pigil pa raw ang gawin ng magulang ay ipipilit nito ang gusto nilang gawin.

Finally, nagkaroon ng change of heart si Ogie towards his daughter now that she’s engaged to Mito.

Ibinahagi ni Leila sa kanyang Instagram account ang kanyang status with matching flex pa ng suot niyang engagement ring.

Ang dating galit na ama sa pakikipag-live in ng anak has turned the exact opposite.

Ogie posted: “I am truly beyond happy for you both.

“Congratulations!”

Sumagot naman si Mito ng: “Thank you, tito. I love you!”

Sa ngayon, wala pang napagdedesisyunang altar date sina Leila at Mito.

Pero for sure, idaraos ang kanilang kasal sa Australia.

Tiyak ding both Ogie and his wife now Regine Velasquez–na malapit kina Michelle–won’t miss the wedding for the world. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here