Home ENTERTAINMENT Ogie, niresbakan si Bea!

Ogie, niresbakan si Bea!

Manila, Philippines – Nagtungo na rin sa Quezon City Prosecutor’s Office noong June 18 ang talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz kasama ang kanyang co-hosts sa “Showbiz Update Live” na sina Loi Villarama at Wrena Lualhati para mag-file ng counter-affidavit laban sa isinampang cyber libel complaint ni Bea Alonzo.

Sey ng lawyer niya na si Regie Tongol sa ni-release nilang press statement, hindi naman specific ang reklamo ni Bea patungkol sa kung sino ang nagsabi ng mga opinyong nakakawasak ng dangal.

70 pages ang counter-affidavit nila kumpara sa 16 pages na complaint affidavit ni Bea.

Iginiit ni Regie na protektado ng “fair comment doctrine” ang opinions ng clients niya.

Ang doktrinang ito ang nagpoprotekta sa isang individual pagdating sa pagpapahayag ng opinyon sa mga bagay na nasa public interest, na inihalintulad niya sa nature ng trabaho ni Bea bilang isang artista.

“Other bloggers, writers, journalists and our clients should not be covered by the filing of cases just to suppress the freedom of expression and of the press by public figures who are too onion-skinned,” sey ng lawyer sa written statement.

Kasama rin sa depensa ni Regie na improper venue ang kaso ni Bea dahil legal resident ito ng Spain pero Quezon City ang idineklara ng aktres na place of residence.

Tinawag niyang “unjustified and unreasonable” ang hinihinging amount for damages ni Bea na 30 million pesos.

Idineklara niyang balak nilang mag-kontra demanda kay Bea para sa malicious prosecution at damages kaugnay ng pag-supress sa “freedom of the press and expression” ni Ogie pati ng mga kasama nito. Trixie Dauz