Home NATIONWIDE Imbestigasyon sa text scams isinusulong sa Senado

Imbestigasyon sa text scams isinusulong sa Senado

MANILA, Philippines- Sa patuloy na pagkakatuklas ng mga awtoridad sa libo-libong SIM cards sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), binanggit ni Senator Joel Villanueva ang pangangailangang imbestigahan ang tinatawag niyang “unprecedented number of gambling-related text scams and the use, sale, and importation of cell site simulators” na ginagamit upangmakapagpadala ng mga mapanlinlang na text.

Sa Senate Resolution 1057 na inihain nitong Huwebs, inatasan ni Villanueva ang Senado na talupan ang isyu.

Ayon sa resolusyon, halos 80,000 unregistered SIMs ang umano’y ginagamit para sa text spam blasts at online love scams na nadiskubre sa Xinchuang Network Technology, Inc. sa pagsalakay dito noong Hunyo 27, 2023. 

Makalipas ang dalawang buwan, 28,000 registered  at unregistered SIMs wang nakumpiska mula sa SA Rivendell Global Support, isang POGO sa Pasay.

Nadiskubre rin ang SIMs sa pagsalakay noong Marso 2024 sa Zun Yuan Technology, Inc., isang illegal POGO sa Bamban, Tarlac.

Base sa resolusyon, ginagamit din ng scammers ang cell site simulators na kilala rin bilang stingrays o international mobile subscriber identity (IMSI) catchers “to mimic mobile numbers to deceive users into thinking that they are receiving legitimate text messages from legitimate companies.”

Mula Enero hanggang Mayo May 2024, nakataggap ang National Telecommunications Commission (NTC) ng 36,776 reklamo, 45% dito ang call at text scams, 30% ang naglalaman ng game links, at 25% ang may bank links at iba pang uri ng fraud at harassment.  

 “There is a need for government to review and determine whether the available mechanisms to address text scams are efficient,” saad pa sa resolusyon. RNT/SA