Home METRO Oil mill nilamon ng apoy

Oil mill nilamon ng apoy

LUCENA CITY, Quezon- Nawasak ang isang oil mill sa lugar na ito nitong Huwebes, May 2.

Iniulat ni Lucena-Bureau of Fire Protection head Fire Supt. Rodel Nota na nagsimula ang sunog sa Holy Oil Mill dakong alas-4:25 ng umaga.

Umabot ang sunog sa fourth alarm, na nirespondehan ng mga bumbero mula sa Tayabas City, Sariaya, ar Pagbilao.

Idineklarang under control ang pagliyab bandang alas-8:30 ng umaga.

Batay sa arson investigation, nagsimula ang sunog sa bunton ng “palyat” o copra (dried coconut meat) na ginagamit sa paggawa ng mantika.

Tinatayang aabot sa P85 milyon ang pinsala sa ari-arian. Wala namang naiulat na nasawi o sugatan sa insidente.

Hindi pa natutukoy ang eksatong mitsa ng sunog. RNT/SA