Home NATIONWIDE Oil price hike epektibo bukas!

Oil price hike epektibo bukas!

292
0

MANILA, Philippines – SINALUBONG ng oil price hike ang unang linggo ng buwan ng Setyembre makaraang magpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P0.70 sa kada litro ng gasolina at kerosene habang P1.00 naman sa kada litro ng diesel na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May dagdag presyo din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo bukas ng alas-4:01 ng hapon.

Ang ipatutupad na dagdag presyo sa mga nasabing produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa ng oil price hike na P0.70 sa kada litro ng gasolina, P0.50 sa kada litro ng diesel, at P0.30 naman sa kada litro ng kerosene. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here