Home HOME BANNER STORY Oil price hike na naman

Oil price hike na naman

MANILA, Philippines – Muling tataas ang presyo ng gasolina, diesel, at kerosene sa susunod na linggo, na may pagtaas mula P0.75 hanggang P1.35 kada litro.

Ito na ang ikalawang sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa Department of Energy, ang pagtaas ay dulot ng pandaigdigang pangyayari tulad ng parusa ng U.S. sa Iran, patuloy na pag-atake ng Russia at Ukraine sa mga pasilidad ng enerhiya, at banta ng taripa ng U.S. sa mga bansang bumibili ng langis mula Venezuela.

Ang opisyal na pag-anunsyo ng presyo ay Lunes, at ipatutupad sa Martes.

Noong Marso 25, tumaas na rin ang presyo ng gasolina ng P1.10 kada litro at P0.40 para sa diesel at kerosene.

Sa kabuuan ng taon, umabot na sa P3.25 kada litro ang netong pagtaas ng gasolina, habang bahagyang bumaba ng P0.30 kada litro ang kerosene. RNT