MANILA, Philippines- Asahan na ng mga motorista ang tapyas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Nakikita ang pagbaba ng presyo ng gasolina ng P1.45 hanggang P1.85 kada litro; diesel prices ng P1.15 hanggang P1.55 kada litro; habang ang presyo ng kerosene ay posible ring bumaba ng P1.20 hanggang P1.60 kada litro, base sa oil companies.
Batay sa full week trading results ng Mean of Platts Singapore (MOPS) index, ang calculated price reductions ay P1.852 kada litro para sa gasolina; P1.522 kada litro para sa diesel at P1.597 kada litro para sa kerosene products. RNT/SA